Malaya X Paalam

fireshot-capture-18-monmonwrites-hashtag-on-instagram-e280a2-p_-https___www-instagram-com_p_baawrw.png

Ang tulang nabuo ko pagkatapos mapakinggan ang kantang “Malaya” By Moira Dela Torre at “Too Good At Goodbyes” ni Sam Smith.

Ikaw na hinayaang pag hariin ang puso ko
Sa iyong mga pangakong napako naging alipin ako
Ang pag-ibig na dating nagbigay ng sigla
Pinaubaya ko na sa iba, binitawan dahil hindi na dapat
Pagmamahal mong biglang naglaho akin nang naibsan
Hindi lang ikaw ang nakaka-ahon pagka’t ako mismo ang lumisan
Sa saklap ng pagkakataon sarili ko ay pinalaya
Dahil wala tayong magiging puwang kahit ano mang nakataya

Lilimutin ang lahat at buburahin ka sa alaala
Ibubuhos ang mga luha at isisigaw ang hinagpis sa mga tala
Kung saan mga pangarap na binuo ay tuluyan nang naglaho
Ikaw at ako hindi kailanman magkakaroon ng tayo

Mga yakap mong hindi ko na madama
Tinatanong ang sarili kung ito ba ang tama
Hahayaan ko pa bang angkinin
Ang pag-ibig na hindi para sa akin

Masasaktan at mawawalan lamang ng sigla na parang walang katapusan
Anong sakit pa ba ang mararamdaman
Itataboy at pagkakaitan lamang
Wala na, matagal na kitang pinakawalan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: