Multo Ng Nakaraan Pt. 1

Isa, dalawa, tatlo
Ilang beses ka na ba lumalabas sa panaginip ko
Hindi naman kita iniisip pero bakit sumusulpot ka sa isip ko pag ako’y natutulog?
Kasayahan nga ang dulot mo pag ako’y nananaginip
Mahimbing ang yapos mo sa aking isip
Pero kung kalungkutan naman ang epekto mo
Sa aking paggising
Pwede bang wag mo na lang akong dalawin?

Alam mo may naalala ako sayo
Teka ano nga ba yon?
Ay oo nga pala, ikaw,
Ikaw ay isang multo
Multo ng aking nakaraan

Naliligaw ka rin pala katulad ko, ano?
Pero mali pa rin ang tinatahak mo
Wag na tayong makipaglaro sa tadhana
Kasi wala sating mananalo
Kasi duwag tayong pareho

Matatalisod lang at mauulit ng mauulit ang dating tinalikuran
Kaya tama na
Wag nang magpagapos sa dating kasalanan
Isuko na lang lahat sa kalawakan
Isagaw mo na “suko na ko”
Isambit mo na “pagod na ko”
Tanggapin ang pagkadapa sa mga bubog na matagal ng basag

Magparaya sa sakit na matagal ng binaon sa limot
Wakasan na ang piniling depinisyon na nagpapaikot sa mga puso
Bagkus ay ipagpatuloy ang paghilom ng mga puso
na nadurog dahil sa mga multo ng nakaraan

By M.C. | Date Written: September 26, 2017

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: